Shortcut:

Saturday, September 15, 2012

Buti pa nung bata.

Grade 1 ako noon, at uwian na sa school. Syempre, lahat ng mga klasmeyt ko gusto nang makalabas agad. Pero yung iba kasi, nasa listahan ng "Noisy" at "Standing". Kaya bukod sa palo ng stick ni Ma'am sa kamay, sila pa ang cleaner.

Tapos, isa-isa nang pinapalabas ni Ma'am sa room yung mga klasmeyt ko. Laging nauuna yung row 1. Kung di ako nagkakamali, nasa row 2 or 3 ako noon eh...tapos, maglalakad kaming nakapila mula sa pasilyo hanggang sa gate, habang nasisipa ko yung paa ng nasa unahan kong mabagal maglakad. Konti pa, paglabas ng gate, takbuhan na kami kung saan saan. Yung iba pumupunta sa likuran ng school building para panoorin kung may mga batang magsusuntukan, yung iba namang estudyanteng mapera pupunta sa tindahan, bibili ng nata de coco, foot long bubble gum,  o di kaya gagasta ng mga tres o singko sa palabunutan. 

Ako? Kumakaripas na ko ng takbo pauwi. Laging walang pera eh, saka malapit na kasing mag Voltes payb! 

Bilib na bilib ako nuon kay Voltes payb. Natatandaan ko may sando't shorts pa kong may tatak ng Voltes payb. Pati ung theme song halos nakabisado ko nang di naiintindihan yung lyrics. Yung closing theme lang ang di ko gaanong na-memorize, pinuputol kasi agad yung part na yon sa TV. Kapag naglalaro na kami, once na ibulalas mo na, "Ako si Steve!", ayan, naghahamon ka na ng away. Kung mabait ang kalaru mo, papayag siyang siya si Mark. Marami din akong kaibigang babae non, kaya pinag-aagawan din nila yung role ni Jamie. 


Voltes team tribute


Kwentong Shaider naman. Lumabas yata ng Shaider mga Grade 5 na ko. Medyo kinikilabutan ako pag napapanood ko yun dati eh. Lalu na kapag nasa kuta na ng kontrabida yung eksena. Kinikilabutan ako dun sa malaking ulong nakapaskil sa pader, saka dun sa assistant niyang mula't sapol pinagdudahan ko kung babae bang mukhang lalake o lalakeng nagbihis babae. 

Tapos ung robot pa ni Shaider na si Vavilos, bakit ang liit ng braso??? Hehe.

Tapos ung lighting pa sa set, ang sakit sa mata. Masyadong maliwanag. lalo na pag nakikipaglaban si Shaider dun sa ibang dimension. 

PERO in fairness ang ganda ng costume ni Shaider. makulay at maraming pindutan.

Nung pinalabas ung pinoy version na Zaido, di ko rin na-enjoy dala na rin siguro ng pagbabago ng taste ko sa ganyan. Pansin ko puro long shot yung mga fight scene. Obvious tuloy na parang nahihirapang kumilos yung characters dahil sa costume. Nawala na rin yung "kilabot" effect, pero good thing na pumatok to sa mga bata. Mapa-sando, t-shirt, o di kaya school bag Zaido na rin. Naaalala kong ginagaya nung bata yung steps sa transformation anik-anik ng mga Zaido, "Zaidoo....BLUUUEEE!" Sabay suntok sa sikmura ng kalaro.

Art above was supposed to be Alexis, the original Shaider. Changed my mind, and decided to give Zaido a shot. Quick digital sketch thru photoshop. 


No doubt, masaya talaga maging bata....wag lang sanang lumaking makitid.


Before I end this blog, I would like to share this song to all of ye.
Mainis man yung iba kay Tito Sotto, wag lang sa VST ok???



"Mabuti pa nung Bata" by Vst & Co. uploaded by pinoytayo4ever


Hanggang sa susunod na kabanata. :)



1 comment:

  1. nice jazz. hindi kalang pla mgaling sa art pati rin sa literature...... good job . keep it up...

    -alvin pagba

    ReplyDelete